Sugar Mommy (277)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - January 25, 2020 - 12:00am

IPINASYAL ni Jericho sa Batha si Sammy. Iyon ang unang pagkakataon mula nang dumating sila sa Riyadh na ipinasyal niya si Sammy.

“Ito ang Batha, Sammy. Pawang mga Pinoy ang makikita mo rito. Maraming Pinoy restaurant dito. Pero roon sa restaurant na nagsi-serve ng kabsa kita dadalhin. Para makatikim ka naman ng kabsa. Baka sa una hindi mo magustuhan ang kabsa dahil may herbs at kung anu-ano pang spices. Pero pagtumagal na, hahanap-hanapin mo.’’

“Sige, Jericho. Madali na­mang mag-adjust ang dila ko.’’

“Halika roon sa paborito kong kabsahan na malapit    sa Al-Rahji Bldg. Masarap ang kabsa roon.’’

Tinungo nila ang sinabi ni Jericho. Tumawid sila sa Batha Bldg. at kumaliwa.

Isang restaurant na ma­raming kumakain na Pinoy ang naratnan nila. Isang bakanteng table ang nakita nila.

“Maghintay ka rito at oorder ako,’’ sabi ni Jericho at tinungo ang lalaking nasa maliit na cubicle na tumatanggap ng order.

Binayaran niya ang dalawang order ng kabsa at dalawang Pepsi sa lata. Pagkatapos makuha ang resibo, dinala ni Jericho sa isa pang counter at binigay sa isa pang lalaki.

Nagbalik si Jericho sa kanilang mesa.

Hindi pa nakakaupo si Jericho ay isinilbi na ang dalawang plato ng chicken kabsa at dalawang malamig na Pepsi sa lata.

“Ito ang kabsa, Sammy. Sige kain na. Pigaan mo ng lemon ang chicken para masarap.’’

Pinigaan ni Sammy. Pagkatapos ay sumubo. Nginuya.

“Anong lasa, Sammy?’’

“Parang may herb nga. Pero masarap. Gusto ko ito. Jericho.’’

“Sige sumubo ka pa para maging pamilyar sa dila mo ang lasa.’’

Sumubo pa si Sammy.

Maya-maya, nagtanong na si Sammy kay Jericho ukol sa magandang sinabi ni Abdulaziz.

“Pinupuri ka ni Abdulaziz. Masipag at dedicated ka raw sa trabaho. Bibigyan ka raw agad niya ng increase sa lalong madaling panahon. Kaya pag­butihin mo pa Sammy boy.”

“Oo, Jericho, huhusa-yan ko pa.”  

(Itutuloy)

SUGAR MOMMY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with