Jueteng talamak
QUESEJODA - Butch M. Quejada (Pang-masa) - January 21, 2020 - 12:00am

LAGLAGAN ang mga opisyal ng pulis na naghahangad maging CPNP dahil ang pinili ni Boss Digong ay si General Archie Gamboa na sa palagay ng una ang magpapatino sa mga walanghiyang PNP.

Sabi nga, congratulation CPNP Archie Gamboa, Sir!

Si CPNP Archie na ngayon ang bossing ng kapulisan sa Philippines my Philippines may kamandag kaya ito sa kanyang mga kabaro?

Ika nga, katakutan kaya siya at sundin ang kanyang mga police policies na ipatutupad?

Tingnan natin kung kayang utusan ni CPNP Gamboa na pahintuin ang mga illegal gambling tulad ng jueteng na naglipana ngayon lalo’t siya na ang ‘big boss!’

Sa Manila, Valenzuela, Malabon at Navotas ang walang STL con jueteng!

Bakit?

Ayaw pumayag ng mga alkalde rito na magkaroon ng sugalan sa kanilang Siudad lalo na sa area of responsibilities nina Valenzuela Mayor Rex Gatchalian at Manila Mayor Isko Moreno.

Why?

Alam ng mga pulis sa lugar ni Gatchalian at Isko na matatapyas ang ulo nila o matatanggal sila sa pagka-policemen at maging foolish cops na lamang.

Ito ang impormasyon CPNP Archie Gamboa pukpukin mo si SPD District Director Bathan para itanong sa kanya ang mga dayaan bolahan sa Taguig bakit kamo kalahati lang ng distrito ang may jueteng operations, laylayan naman sa Makati, sa Parañaque at Muntinlupa intact o full blast ang operasyon kaya naman P1.8 million ang kubransa a day rito.

Ipatanong mo rin CPNP Archie kung sino sila Josie ng Muntinlupa at si Bad Boy Arugago both of them ay may bagong fortuner care off Jaruta ang management.

Si Jaruta ay kaibigan ng isang alias Jojo Ceteno, isang civilian na batang sarad ng isang Rogart.

Sa QC sina Tepang, Don Ramon, Brutus et al ang mga jueteng operators.

Ilan sa mga ito ay miembro ng foolish cops kung hihimayin mo ito Sir Archie makikita mo kung sinu-sino sila at ang mga nakapatong na heneral.

Mapatigil kaya ni Gamboa ito para naman kumita ng maayos ang PCSO na siyang nagbibigay ng tulong sa madlang may sakit na nangangailangan

Abangan.

ARCHIE GAMBOA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with