Bayanihan ng mga Pinoy, subok na sa anumang panahon!
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - January 20, 2020 - 12:00am

Sa gitna ng mga trahedyang nangyayari, kalamidad man o emergency ay kapansin-pansin ang balikatan ng mga Pinoy. Ang sama-samang pagtutulungan at mithiing makabangon  ang isa sa hinahangaan sa atin ng buong mundo.

Sa pinakahuling kalamidad na ating naranasan sa pagputok ng Bulkang Taal, makikita at mararamdaman ang pagmamalasakitan.

Gaya sa mga nagdaan, kitang-kita ang pagbuhos ng tulong ng ating mga kababayan sa mga naging biktima sa pagsabog ng bulkan.

Bagamat sabihing nagkabiglaan sa pagsabog ng Taal , isang linggo na  ang nakararaan, ang labis na ipinagpapasalamat ng marami ay walang naging casualties, kung meron mang naitala, ito ay walang direktang kinalaman sa pagputok ng bulkan.

Ito ang dapat at labis  nating ipinagpapasalamat.

Bagamat sa mga unang oras, unang naging aksyon  ay iligtas ang buhay ng mga mahal sa buhay,  kung saan hindi na naisip pa ang mga naiwang kabahayan, kabuhayan at mga alagang hayop.

Siyempre mahalaga ang buhay, ngayon kung may pagkakataon na puwedeng maisalba ang iba, bakit hindi?

Gayunman, sana eh huwag isipin ng marami nating kababayan na hindi kontrabida ang mga

awtoridad sakaling bawalan man silang papasukin lalu na nga’t ipinatutupad ang lockdown dahil may banta pa rin ng panganib.

Para rin naman ito sa kanilang kapakanan.

Wala pa kasing makapagsasabi kung tuluyan nang kumalma ang bulkan, lalo pa nga’t ang Phivolcs na rin ang nagsabi na may mga aktibidades na nagaganap sa ilalim ng bulkan na ibig sabihin maaari itong sumabog sa mga susunod na oras o araw.

Bagama’t nauunawaan natin ang nararamdaman ng ating mga kababayan na balikan ang kanilang naiwang tahanan, mga ari-arian , alagang hayop at mga mahahalagang dokumento, pero hindi naman dapat na ipagsapalaran ang buhay.

Maibabalik ang lahat ng nawala pero ang buhay, isa lang yan. 

Sa ngayon may iba’t-ibang grupo na na nagsasagawa ng rescue sa mga hayop na naiwan sa paligid ng Taal, sana ay magtuluy-tuloy ang kooperasyon ng mga bawat isa para hindi maging magulo ang rescue at mapangalagaan din ang kaligtasan ng bawat isa.

Sana po wala nang maging pasaway, mag-unawaan tayo para malampasan ang pagsubok na ito sa ating katatagan.

PINOY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with