Sugar Mommy (270)

HINDI naman inaasa-  han ni Jericho ang sinabi ni Jane.

“Kung huwag ka na kayang bumalik sa Riyadh, Jericho.”

“Bakit?’’

“Gusto ko, dito ka na lang. Kaya naman nating mabuhay kahit hindi mag-Saudi.’’

Hindi makapagsalita si Jericho.

“Hindi tayo magugutom dito, Jericho. Maraming pagkakakitaan dito. Isa pa, marami akong ari-arian.’’

Napahinga nang malalim si Jericho. Talagang mahal na mahal siya ni Jane at ayaw na nitong magkahiwalay pa sila.’’

“Babalik agad ako, Jane. Baka one year lang ako roon at babalik ako para magpa-kasal tayo. Isa pa, nangako ako kay Abdulaziz na babalik. Inaasahan na niya ang pagbabalik ko.’’

Natahimik si Jane.

Nadarama ni Jericho ang damdamin ni Jane. Ayaw na nitong magkalayo sila.

Naisip ni Jericho na isa pang dahilan kaya gusto niyang makabalik sa Riyadh ay dahil kay Sammy. Mayroon siyang pinangako kay Sammy.

Nagpasya siyang ipagtapat na kay Jane ang pag­kukutsabahan nila ni Sammy.

“May ipagtatapat ako sa’yo tungkol kay Sammy.”

“Ano ang tungkol kay Sammy?’’

Sinabi ni Jericho. Pati ang balak na pagtatrabaho ni Sammy sa Riyadh.

Nagtawa si Jane pagkatapos.

“Kaya pala napansin ko  na parang matagal na kayong magkakilala.”

“Hindi ka nagagalit?’’

“Hindi!’’

(Itutuloy)

Show comments