Sugar Mommy (269)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - January 17, 2020 - 12:00am

PUMASOK ang dalagita at kasunod si Sammy na may bitbit na mga pinamili.

Hindi humihinga si Jericho sapagkat baka mabuking sila ni Sammy na magkasabwat. Pero hindi nagpahalata si Jericho.

Wala naman silang  masamang ginawa sakali’t at malaman ni Jane na magkakilala pala sila ni Sammy. Ipagta­tapat din niya ito sa kalaunan.

“Jericho, siya si Sammy. Naaarkila lagi namin para maghatid ng mga gulay, niyog at iba pa sa bayan.’’

“Kumusta ka Sammy?’’ bati ni Jericho.

“Mabuti naman po Sir Jericho.’’

“Jericho na lang.’’

“Siya naman ang pamangkin ko na si Iya,’’ pakilala ni Jane sa dalagita.

“Hi Iya,’’ sabi ni Jericho.

“Hi po Mang Jericho.’’

Kumilos si Sammy para dalhin ang mga pinamili sa kitchen. Nagtungo rin sa kusina si Iya.

Naiwan sina Jericho at Jane sa salas.

“Ano ngayon ang ba-lak mo Jericho?’’

“Balak ko, aalis patu-ngong Saudi pero babalik din agad para magpakasal tayo.’’

Hindi makapagsalita si Jane.

Hindi inaasahan ang sinabi ni Jericho.

“Bakit natahimik ka, Jane?’’

“Hindi ako makapaniwala Jericho.’’

“Dapat kang maniwala.’’

“Totoo ba Jericho?’’

“Oo.’’

Bigla siyang hinalikan ni Jane sa labi.

(Itutuloy)

SUGAR MOMMY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with