Sugar Mommy (261)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - January 9, 2020 - 12:00am

NAGLULUNDAG at nagsisigaw si Jane makaraang hawakan ni Jericho ang hita nito.

“Ayyyyy! Aaaayyyyy!’’

Sabay sa paglundag at pagsigaw ni Jane ay biglang pumaibabaw si Jericho.

Ito na ang pinakahihintay niyang pagkakataon – ang lumantad sa babaing may pitak sa kanyang puso.

Tapos na ang kanyang pagsubaybay. Nagwakas na rin ang kanyang matagal na pagmanman. Natuklasan niyang hinihintay lang siya ni Jane.

Hindi mailarawan sa mukha ni Jane nang makita si Jericho.

Matagal bago naibuka ang bibig. Parang natulala ito. Parang hindi makapaniwala na ang nasa harap niya ay si Jericho.

“Jericho?’’

Tahimik lang si Jericho at nanatiling nakatingin kay Jane.

“Jericho! Ikaw nga si Jericho!’’ sabi ni Jane na para bang maiiyak sa katuwaan.

Sapat iyon para lumapit nang husto si Jericho kay Jane at niyakap ito nang mahigpit.

Ikinulong nang todo ni Jericho sa kanyang bisig ang katawan ni Jane. Nadama niya ang lambot ng katawan ni Jane. Pareho silang hubad ang pang-itaas at hindi nila iyon inalintana.

Sa ganoong sitwasyon na ang pagmamahal at pagkasabik sa isa’t isa ang namamayani, ay wala nang puwang kung wala silang saplot pang-itaas.

Sa pagkasabik ni Jericho, hinanap niya ang labi ni Jane.

Nang matagpuan, sabik niyang hinalikan ang malalambot na labi ni Jane.

Gumanti si Jane.

Naging mainit ang paglalapat ng kanilang mga labi. Unang pagkakataon na nagtagpo ang kanilang mga uhaw na labi.

Matagal ang mainit nilang paghahalikan. Sinulit ang matagal na hindi pagkikita. Wala nang namagitang pagkapahiya sapagkat alam na mahal nila ang isa’t isa.

Iyon na ang tamang pagkakataon para ipakita at ipadama ang tunay na pagmamahal sa isa’t isa.

(Itutuloy)

SUGAR MOMMY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with