Airport sa Lithuania, bumuo ng christmas tree mula sa mga kumpiskadong kontrabando
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - December 18, 2019 - 12:00am

KAKAIBA ang Christmas tree na nakadisplay sa isang airport sa Lithuania dahil binuo ito mula sa mga kontrabandong kumpiskado mula sa mga pasahero.

Ayon sa mga namamahala sa Vilnius Airport, inasembol nila ang Christmas tree mula sa mga ipinagbabawal na mga kagamitan na nasabat ng security mula sa mga pasahero.

Makikita mula sa larawan ng Christmas tree na binubuo ito ng mga higit 100 pares ng gunting, mga kutsilyo, cutter, lighter, at iba pang mga bagay na ipinagbabawal na dalhin sa loob ng eroplano.

Kaya nagbigay tuloy ng paalala ang mga taga-Vilnius Airport sa mga pasahero na kung ayaw nilang mapasama sa Christmas tree na binuo nila ang kanilang mga kagamitan ay kailangan nilang siguraduhin na hindi kabilang ang mga ito sa listahan ng mga ipinagbabawal ng paliparan.

CHRISTMAS TREE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with