EDITORYAL - Sakit ng ulo ang POGO?
(Pang-masa) - December 15, 2019 - 12:00am

DALAWANG bagay ang nagpapasakit sa ulo ng pamahalaan ngayon kaugnay sa pagpasok ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO). Una, maraming POGO providers ang hindi nagbabayad ng buwis at ikalawa, ang tumataas na bilang ng kidnapping na ang sangkot ay mga empleyado ng POGO.

Parehong mabigat ang mga problemang ito. Sa kasalukuyan, dalawang POGO service providers na ang pinasara ng BIR dahil sa hindi pagbabayad ng buwis. Kamakalawa, ipinasara ng BIR ang New Oriental Club 88 Corp. (NOCC) sa Parañaque City. Hindi pa ganap na ma-figure ng BIR ang eksaktong tax liabilities ng NOCC pero ayon sa source, bilyong piso ang dapat bayarang buwis sa pamahalaan.

Ipinasara rin noong Setyembre ang Great Empire Gaming and Amusement Corp. (GEGAC) sa Libis, Quezon City dahil sa hindi pagbabayad ng tax na umaabot sa P21.62 billion.

Malaki ang kinikita ng pamahalaaan sa mga POGO provider pero malaking problema rin pala ang kahaharapin sapagkat karamihan sa kanila ay hindi nagbabayad ng buwis. Ang matindi, karamihan ay hindi nakarehistro sa BIR. Kumikita nang malaki ang mga POGO pero dinadaya nila ang gobyerno. Gusto nilang kumita pero ayaw magbayad ng tax. Dapat isara ang mga POGO na ito.

Problema rin ang mga sunud-sunod na kidnapping mula nang dumagsa sa bansa ang Chinese gambling investors at mga empleyado para sa POGO noong 2017. Pawang mga Chinese ang kinikidnap at ang mga nangi­ngidnap ay kababayan din nila. Kadalasang kinikidnap ay mga Chinese na naglaro sa casino. Ayon sa Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group tumaas ang bilang ng kidnapping ngayong taon. Mayroon na umanong 42 kaso ng kidnapping mula Enero hanggang Nobyembre ng taong ito. Ang mga kinikidnap ay Chinese na nagtatrabaho sa POGO at ang ilan naman ay mga nalulong sa sugal sa casino. Noong Lunes, isang babaing Chinese sa Makati City noong Lunes ng gabi. Nakilala ang Chinese na si Zhou Mei, 28, isang POGO worker. Hindi pa natatagpuan ang Chinese.

Kailangang mag-isip ng paraan ang gobyerno kung paano mababantayan ang mga madadayang POGO ganundin ang mga Chinese na dito pa gumagawa ng pangingidnap.

POGO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with