Kaalaman ukol sa pagkababae at pagkalalaki (Part 2)

Ang average number ng nagiging sexual partners ng heterosexual men or tunay na lalaki ay seven; sa tunay na babae ay apat.

Sa isang pag-aaral na ginawa, hindi haba ng penis ang nakakapagbigay ng satisfaction sa babae kundi ‘yung friction na nalilikha ng penis sa wall ng kanyang vaginal canal.

Sa bawat 16 kilos na nababawas sa timbang ng isang tabatsoy na lalaki, humahaba ng one inch ang kanyang bitoy. Actually, hindi naman talaga nadadagdagan ang haba per se, nagmumukha lang “humaba” dahil nabawasan na ang bilbil kaya wala nang hadlang upang makaposisyon si lalaki nang maayos at maisagawa niya nang buong galing ang pagpapaligaya sa babae.

Once a week na pakikipagtalik ay nakaka-improve ng immune system ng 30 percent.

Mabilis pukawin ang damdaming seksuwal ng mga babae sa pamamagitan lang ng erotic imagery kaysa mga lalaki.

Sa US survey, ang mag-asawang nasa edad na 65 pataas ay nagtatalik at least, once a week.

Ang pagsusuot ng babae ng sapatos na may dalawang pulgadang takong ay nakakatulong upang tumibay ang kanyang pelvic muscle na kailangan upang ma-improve ang orgasm.

Ayon sa isang survey sa US, 84 percent ng mga kababaihan ang pumapayag makipagtalik kahit wala sa mood para lang huwag silang mag-away ng kanilang partner.

Sa isang pag-aaral tungkol sa matatabang babae, napag-alamang kung kanilang tanggap ang katabaan, mas nag-e-enjoy sila sa kanilang sex life kumpara sa mga babaeng problemado sa kanilang matatabang katawan.

Ayon sa global survey na kinomisyon ng Durex condom, mga Austrian ang pinakamahilig sa oral sex kumpara sa ibang lahi sa buong mundo. (Itutuloy)

 

Show comments