^

Punto Mo

EDITORYAL - ‘Ginigisa sa sariling mantika’

Pang-masa
EDITORYAL - �Ginigisa sa sariling mantika�

GANITO inilarawan ni Sen. Bong Go ang ginawa ng dalawang water concessionaires – Maynilad at Manila Water na una nang nabalita na sisingilin ang gobyerno ng P10.8 bilyon bilang kabayaran bilang danyos na pinag-utos ng Singapore Arbitration Court. Hindi raw nila ito kinita noong 2013 nang ayaw silang payagang makapataas ng singil ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS). Nagpasaklolo sila sa Singapore Court.

Pero nakita ito ni President Duterte at binantaan ang dalawang water concessionaires na kakasuhan ang mga ito ng economic sabotages. Nagputok ang butse ng Presidente at malulutong na mura ang sinabi sa dalawang malalaking water concessionares na nakakuha ng kontrata sa gobyerno noong 1998. Ang Maynilad ay siniserbisyuhan ang west zone ng Metro Manila samantalang ang Manila Water ay ang east zone.

Biglang tumiklop ang Maynilad at Manila Water sa banta ng Presidente at nagpahayag na hindi na nila sisingilin ang P10.8 bilyon at hindi na rin sila hihirit nang pagtataas sa singil ng tubig sa darating na Enero 2020.

Sa pagdinig ng House Committee on Good Go­vernment and Public Accountability, sinabi ni Manila Water President at CEO Jose Almendras at Maynilad President at CEO Ramoncito Fernandez na hindi na nila isusulong ang paniningil ng danyos na ipinag-utos ng Singapore court. Handa na umano silang makipagtulungan sa pamahalaan sa posibleng pagbabago ng concession agreements. Mariin din nilang sinabi na wala nang mangyayaring pagtataas ng singil sa tubig.

Paano kung hindi pumiyok dito ang Presidente at nagpatangay na lang sa agos na parang “hipong tulog”. Magpapatuloy ang paniningil ng dalawang water concessionaires at ang mamamayan ang pipigain. Mabuti na lang at nakita ang balak na “panlalamang”. Nakaligtas ang mamamayan sa bayarin na para ngang “iginigisa sa sariling mantika”. Lubhang kawawa naman lalo ang mahihirap na matagal nang nagtitiis.

 

vuukle comment

MANTIKA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with