Christmas tree na may nakapaskil na 51,626 na wishing cards, nagtala ng World Record sa Japan
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - December 12, 2019 - 12:00am

ISANG lungsod sa ang ginawaran ng Guinness World Record matapos gawing dekorasyon sa isang malaking Christmas tree roon ng 51,626 wishing cards na ginawa ng mga bata.

Ayon sa siyudad ng Moriyama, pawang mga kabataan mula sa lokal na eskuwelahan at daycare centers ang nagsulat ng kanilang mga hiling para sa kanilang sarili at para sa siyudad sa 3.7-pulgada na wishing cards.

Ipinaskil naman ang cards na ito sa halos 100-talampakang Christmas tree sa Nakasu Elementary School.

Isang kinatawan ng Guinness ang nag-inspeksiyon sa Christmas tree at kumumpirma na ang Christmas tree ng Moriyama ang may pinakamaraming nakapaskil na wishing cards sa buong mundo.

Itinaon ang proyekto sa ika-50th na anibersaryo ng pagkakatatag ng Moriyama bilang lungsod.

Ayon sa mga opisyal ng siyudad, mananatili ang mga cards sa puno hanggang Dec. 26, kung kailan aalisin na sila at ilalagay sa isang time capsule.

CHRISTMAS TREE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with