Pasugalan ni Boy Life, ‘untouchable’ sa Rizal!
SUPALPAL - Non Alquitran (Pang-masa) - December 11, 2019 - 12:00am

NAIS iparating ni kosang Edwin Moreno ng Hataw kay Calabarzon police chief Brig. Gen. Vicente Danao Jr., ang “untouchable” na pasugalan ni alyas Boy Life sa Rodriguez, Rizal. Sa kanyang post sa viber sa PRO4A Media Friends, sinabi ni Moreno na ang pergalan ni Boy Life na matatagpuan sa ilalim ng tulay sa Riverside sa Bgy. San Jose ay dinudumog ng mga menor de edad. Si Boy Life mga kosa ay asawa ni Evelyn Mendoza, ang presidente ng Perya Industry of the Philippines Association (PIPA) na lumapit kay President Digong para gawing legal ang sugal sa peryahan. Di ba ang unang casualty ng PIPA ni Mendoza ay ang newsman na si Jupiter Gonzales ng Remate dahil nakipagkutsabahan sila na bugbugin o saktan ang media na omoorbit sa kanila. Si Gonzales at ang isang kasama ay nabaril ng poste ng peryahan sa Pampanga. Ang balwarte naman ni Boy Life ay sa Batangas kung saan hindi makapiyok ang PNP officials dahil sa impluwensiya ng asawang si Evelyn. Araguuyyy! Hiniling din ni Moreno kay chairman Glenn Evangelista ng Bgy. San Jose na ipamaso ang mga lamesa ng color games at drop ball sa peryahan ni Boy Life bago masilip ito ni DILG Usec. Martin Diño. Siyempre pa, hindi lang si Evangelista ang kumita sa peryahan ni Boy Life kundi maging ang hepe ng Rodriguez police na si Lt. Col. Rex Gaoiran, na inireklamo rin ng kanyang mga tauhan dahil sa pitsa. Ano ba ‘yan? Ang tanong pa ni Moreno, si Rizal provincial director Col. Renato Alba kaya ay may pakinabang din kay Boy Life? Ano sa tingin mo Sgt. Ben Sir? Hak hak hak! Paano maipasasara ang peryahan ni Boy Life kung totoo ang ipinagyayabang niya na kanyang kumpare si Gaoiran at booker niya ito?

Sa totoo lang, ang peryahan ni Boy Life ay may basbas ni Mayor Tomtom Hernandez subalit mini carnival lang ang lisensiya nila. Kaya dapat ang makikita sa puwesto ni Boy Life ay ang ferris wheel, tsubibo, bingo, at iba pang rides. Subalit niligwak ni Boy Life si Mayor Hernandez at naglagay siya nang apat na lamesang color games at drop ball, na sugal na ayon sa datos ng PNP, at pilit namang ginagawang legal ni Mendoza at mga kasamahan sa PIPA. Kaya hindi entertainment ang ini-offer ni Boy Life sa kanyang mga parukyano kundi sugal, at nagtagumpay naman siya dahil dinudumog gabi-gabi ng kustomer niya ang color games at drop ball na inilatag sa tabing ilog. Araguuyyy! Get’s mo General Danao Sir? Ang mungkahi naman ni kosang Koi Hipolito ay itawag ang peryahan ni Boy Life sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para pagbawalan ang mga menor de edad na tumaya rito. Puwede rin daw makialam ang Women and Children Protection Desk (WCPD) dahil saklaw din nila ang problema ukol sa kabataan. Hak hak hak! Kung sa Batangas “untouchable” si Boy Life, sa Rizal kaya, ganundin siya?

Malakas pa sa putok sa kilikili na manok ni President Digong si Danao sa pagka-PNP chief kaya sisiw lang ang probemang dulot ni Boy Life. Abangan!

 

UNTOUCHABLE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with