Mga Tita’s sa NAIA, be ready

MUKHANG napapaikutan umano si Mayorang Timmy, sa NAIA ng ilang tirador ng human smuggling sa Terminal 3?

Naku ha! 

Bakit kaya?

Ayon sa mga sumbungero, tanghali na kasi kung pumasok sa kanyang tanggapan si Timmy kaya naman habang wala ito ay very happy ang mga tinaguriang ‘palo gang’ sa departure area ng BI - T3.

Isang bebot na baguhan immigration ang nagsisilbing spotter ng ‘palo gang’ na umaaktong mata at taga - bilang ng grupo kung ilan ang umaalis na pasahero sa mga oras na wala si Timmy.

Isang alyas ‘tinapay’ ang nagbubulag-bulagan at tumatalikod na lamang umano kapag binigyan nang go signal to march papuntang counter ang mga pinaalis na pasahero  nang ‘palo gang’ sa NAIA - T3 departure area?

Sabi nga, mabilisan ang paluan para hindi sila abutan?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ano kaya ang masasabi dito nina alyas ‘sidsid rice’, alyas ‘saniban’ at alyas ‘Mannik’?

Sila tatlo ang tinutukoy ng mga sumbungero na kabilang sa grupo ng ‘palo gang.’

Ayon sa sumbungero, tuloy ang ligaya sa NAIA - T3, porke pasko every morning dito.

Sabi nga, sa mga taga - langit lang na binasbasan ng blessing ang pinadadaan sa ‘palo gang’ para mamasahero sa nasabing lugar. 

Ang mga hindi binigyan ng ‘go signal’ ay nakanganga sa nga-yon at naggagalaiti sa inggit kaya buwisit na buwisit ang mga ito.

Ika nga, hindi everybody happy?

Kaya ang intrigahan ayan na naman!

‘Hindi puedeng itigil ang pitsaan sa BI dahil kailangan ng diumano ng panggastos sa opisina? Paano kung masira ang printer, computer at pambili ng mga bond papers ? Sino ang dudukot ng pera sa mga kamote ? Alangan sa bulsa ng mga kamote ito kunin? 

Sabi nga, ano sila hilo!

May isang opisyal sa BI - NAIA ang walang alam pero pero nagpapanggap na bright girl este mali boy pala ang kumikita ito ng limpak na limpak na salapi. Take note, BI Commissioner Jaime Morente, Your Honor!

Hindi maitatago kay Commissioner ang baklitang hitad dahil kilala niya itong bobo. Hehehe!

Madaling makilala ang baklitang hitad dahil madalas ito sa DOJ kaysa sa opisina niya?

Naku ha!

Bakit?

Sumisipsip doon!

Paano? Abangan.

Show comments