Mga doktor sa India, tinanggal ang 7.4 kilong kidney ng isang lalaki
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - December 1, 2019 - 12:00am

INALIS ng mga surgeon sa India ang isang kidney na halos kasimbigat na ng isang bowling ball mula sa katawan ng isang lalaki roon na may genetic condition.

Ang 7.4 kilo na kidney ang sinasabing pinakamabigat na naalis sa pamamagitan ng isang operasyon.

Sa sobrang laki raw ng kidney ay kalahati na raw ng sikmura ng lalaki ang inokupa nito. Hindi rin daw nila inaasahan ang bigat nito kahit alam na nilang napakalaki ng kidney, ayon kay Sachin Kathuria, miyembro ng surgical team na nag-opera sa lalaki.

May sakit na autosomal dominant polycystic kidney disease ang 56-anyos na lalaki, na sumailalim sa dalawang oras na operasyon sa Sir Ganga Ram Hospital sa New Delhi, kamakailan.

Nasa 120 to 150 grams lang ang timbang ng isang normal na kidney at 12 sentimetro lang ang haba nito.

Ayon kay Kathuria, halos 45 sentimetro ang haba ng kidney na inalis nila mula sa lalaki.

Batay sa Guinness Book of Records, nasa 4.25 kilo ang timbang ng pinakamabigat na kidney na inalis mula sa isang tao. Inalis ang kidney sa pamamagitan ng isang operasyon na isinagawa sa Dubai noong 2017. 

KIDNEY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with