^

Punto Mo

Bawal kung bawal, h’wag nang humirit

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

MAY mga bright na nagsasabi mas masama sa kalusugan ng isang tao ang paninigarilyo kaysa sa gumamit ito ng vape o e - cigarettes.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ano sa palagay ninyo?

Ang utos kasi ni Boss Digong ay i-ban ang paggamit nito kaya naman ang mga authorities sa Philippines my Philippines lalo na ang PNP ay hinuhuli ang makikitang gumagamit ng e - cigarettes o vape sa public places.

Kung ano ang parusa iyan ang malabo pa? Hehehe!

Bakit?

Wala kasing executive order o papel na inilabas at pirmado ni Boss Digong kasi nga verbal ang kautusan.

Naku ha!

Ano ba ito?

Dahil sa pangyayaring ito laglag ang mga businessmen ng e - cigarettes dahil para sa kanila hihina ang negosyo dahil nga hinuhuli ang gagamit nito sa public places.

Sabi nga, hindi na puedeng pang porma ang vape products sa labas ng bahay at magpasikat sa madlang public porke bawal ito at huhulihin sila ng pulis. Hehehe!

May mga nagsasabi malaking tulong ang vape porke nababawasan ang masamang epekto ng sigarilyo sa katawan ng humihithit nito.

Totoo may malaking pinsala ang tabako sa kalusagan ng isang taong gumagamit nito!

Sabi nga, puedeng magkaroon ng lung cancer? 

Hindi kasi malinaw kung anong klaseng liquido ang inilalagay sa vape o e-cigarettes basta hinihithit para magpalabas ng makapal na usok. 

Kung ipagbabawal ang vape sa Philippines my Philippines baka daw magbalikan sa paninigarilyo ang mga gumagamit nito.

Ano sa palagay ninyo?

Bahala kayo sa buhay ninyo!

• • • • • •

Ticket ilibre na sa madlang Pinoy 

Alam ninyo bang hindi biro ang halaga ng ticket sa mga gustong manood ng SEA Games ?

Sana huwag ng singilin ang madlang people na manonood ng SEA Games lalo’t sa mga pampublikong lugar gagawin ang palaro.

Ika nga, suporta ang kailangan ng ating mga manlalaro huwag sana nating ipagkait ito sa madlang Pinoy lalo’t iyong mahihirap nating mga kababayan na walang pambayad para makapanood ng matinding bakbakan.

Ano sa palagay ninyo?

Sabi nga, mas maraming manonood na madlang Pinoy mas mainam.

Siguro sa mga private venues hindi maiiwasan na walang bayad pero sa mga government - owned siguro dapat libre! Abangan.

vuukle comment

E-CIGARETTES

VAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with