^

Punto Mo

Doktrina ng ‘last clear chance’ iiral kapag may aksidente at parehong motorista ang pabaya

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Nabangga po ng jeepney ang minamaneho kong sasak­yan. Ako ang sinisisi ng tsuper ng jeepney dahil umovertake ako. Ang depensa ko naman ay masyadong mabilis ang kanyang pagpapatakbo kaya hindi niya agad nakita ang sasakyan ko. Sino po ba sa amin ang dapat managot sa na­ging banggaan?

Ed

Dear Ed,

Maaring applicable sa na­ging banggaan n’yo ang doktrina ng “last clear chance”. Sa ilalim ng doktrinang ito, kung parehong naging pabaya ang bawat partido, o kung hindi matukoy kung sinong may sala o kapabayaan na nagdulot ng pinsala, mananagot ang siyang may huling pagkakataon na umiwas sa pagdulot ng nasabing pinsala ngunit hindi niya ito nagawa.

Hindi mo ibinigay ang buong detalye ng naging aksidente ngunit kung ipagpapalagay natin na mali ang pag-overtake mo, masasabi pa rin na may punto ang depensa mo kung susundin ang nabanggit na doktrina na “last clear chance”.

May pagkakataon pa kasi na umiwas o huminto ang driver ng jeepney ngunit hindi niya ito nagawa dahil nga sa mabilis niyang takbo. Masasabi tuloy na siya ang dapat managot sa aksidenteng nangyari dahil ang kapabayaan niya ay mas huli kaysa sa naging kapabayaan mo. Dahil dito ay maaring ikaw ang maghabol sa operator/driver ng jeepney para sa pinsalang idinulot ng aksidente.

Sana’y nasagot ko ang iyong katanungan. Paalala lamang sa mga mambabasa na ang nakasaad dito ay base lamang sa inilahad ng sumulat at maaring hindi ito maging angkop sa ibang sitwasyon.

vuukle comment

JEEPNEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with