Maghigpit sa wangwang, sirena at blinkers!
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - November 20, 2019 - 12:00am

MULING paiigtingin  ng PNP ang paghuli sa mga pasaway na palagamit ng mga sirena, wangwang at blinkers sa mga lansangan kahit hindi naman sila awtorisadong gumamit nito.

Ito ‘yung mga papansin sa daan na walang kaabug-abog, sisirena o gagamit ng blinker na nakaaapekto sa mga kasabayan niyang motorista.

Matagal na ang batas ukol dito, pero sa araw-araw na pagbiyahe sa mga lansangan, marami pa rin ang talagang pasaway na nagyayabang sa paggamit nito. Kasi nga hindi nababantayan nang husto, kaya tuloy ang abuso.

Talagang abusado, kadalasan mahinto lang ng kaunti, ayun magwawangwang agad-agad.

Gusto agad makauna, ito ‘yung mga gustong makalamang sa kapwa motorista.

May ilan pa, kasabay ng wangwang, may counter flow pa. Daig pa ang Pangulo ng bansa.

Nakakataranta kapag nakasabayan mo sa kalsada, lalo na kung may kasama pa yang escort na “hawi boys”.

Hindi naman sila kasama sa mga opisyal na pamahalaan na pinahihintulutang gumamit ng ganito. 

Hindi naman sila emergency cases, hindi sila ambulansiya, fire trucks , police at military vehicle na pinahihintulutan lalo na nga’t mga biglaang responde.

May mga pribadong sasakyan na nasusumpungan sa ganitong mga paglabag, meron din naman na sasakyan ng gobyerno at mga sasakyan ng ilang pulitiko na ayaw sumunod sa batas.

Pero kapansin-pansin din ‘yung mga talagang emergency cases, ang siste naman ng ilang pasaway na motorista eh agad-agad na bumubuntot dito para rin makauna, kaya yung ibang nagbigay daan, ayun sila ang naiwan at nalamangan.

Sana nga ay mahigpit na maipatupad ang pagsawata sa ganitong mga abusado sa daan.

Mistulang nawawala na talaga ang disiplina sa mga lansangan dahil sa mga pasaway.

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with