^

Punto Mo

Muntik nang mamatay

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

NASAKTAN at sugatan ang isang Manila Traffic and Parking Bureau ng kaladkarin ito ng driver ng sasakyan na hinuhuli niya dahil sa umano’y reckless driving sa Maynila.

Nakita at pinanood sa closed-circuit television footage ng Manila Public Information Office, ang nangyari kay MTPB enforcer Adrian Lim na kakabitin sa SUV  Mitsubishi Xpander na minamaneho ng isang Orlando Ricardo Jr.

Sabi nga, grabe ang pangyayari kaya naman marami ang nanggagalaiti sa galit kay Ricardo sa ginawa niya kay Lim.

Naisip ni Lim na kailangan gumawa siya ng paraan para makaligtas siya sa tiyak na kamatayan kaya naman bumitaw ito sa sasakyan ni Ricardo at nagpagulong-gulong sa kalye.

Itinakbo ito sa Jose Reyes Memorial Medical Center ng madlang people na tumulong dito habang nakabulgta sa may Gelinos Street.

Natulala umano si Ricardo sa pangyayari at nahuli ng mga authorities sa may kanto ng Oroquieta at Tayuman streets. 

Si Ricardo ay naghihimas ngayon ng rehas matapos ipiit sa karsel ng Manila Police District Station 3 at nahaharap sa patung-patong na kasong serious physical injury at hit and run.    

Kambiyo issue, hihilingin sa LTO na kanselahin ang driver’s license ni Ricardo.

Sabi nga, dapat lang! Abangan.

• • • • • •

Pulis nanakit ng bata

Nanggagalaiti sa galit si MPD director P/BGen. Bernabe Balba, matapos mabalitaan na sinaktan ng pulis niya ang isang batang paslit na kumalat pa sa social media.

Ang batang kelot ay isang 12-years old na nakasira ng side mirror ng motorsiklo ni P/MSgt. Dennis Piad, ng  MPD Traffic Enforcement  Unit  at taga - Pandacan.

Puedeng masibak ito sa pagiging pulis oras na napatunayan nagkasala.

Sabi nga, goodbye sa PNP !

Ang ganitong klaseng pulis ay dapat inaalis na biruin mo bata sinaktan.

Magkano ba ang side mirror ng motorsiklo ng pulis kumpara sa pananakit ng pulis sa bata ?

Kawawang bata puro pasa sa katawan kaya naman kasong child abuse ito laban sa pulis.

Sana huwag magpa-areglo ang magulang ng bata sa pulis para hindi na ito pamarisan pa ng ibang abusado at barumbadong pulis !

Abangan.

vuukle comment

MANILA TRAFFIC AND PARKING BUREAU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with