^

Punto Mo

Lalaking ipinapasyal ang aso, naka-engkuwentro ang dambuhalang ibon na anim na talampakan ang taas!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa Britain na ipinapasyal ang kanyang aso ang hindi inasahang makaka-engkuwentro niya ang isang ibon na anim na talampakan ang taas!.

Ayon sa 48-anyos na si Jason Burford, ipinapasyal niya ang border collie niyang si Molly, sa Forest of Dean sa Gloucestershire, England nang makasalubong nila ang ibon na isa palang Rhea, isang dambuhalang ibon mula South America.

Mabuti na lamang daw at kalmado si Molly dahil baka nagulat daw ang ibang aso at hindi pa naging maganda ang kinalabasan ng hindi nila inaasahang engkuwentro.

Itinawag na ni Burford ang nakita niya sa mga kinauukulan, na nagsabing malamang na nakawala ang dambuhalang ibon mula sa nagmamay-ari nito.

vuukle comment

ASO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with