Pinapatay nga ba ng internet ang mga library?
(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo (Pang-masa) - November 10, 2019 - 12:00am

NGAYONG Nobyembre ay 29th Libraries and Information  Services Month. Sa totoo lang, ngayon ko lang nalaman na meron palang buwan ng library. Naging isyu nga kung  namamatay na rin ba ang library tulad ng mga hard copies na mga libro dahil sa internet.

Pero, ayon sa National Library, sa kabila ng mga kaluwagang ibinibigay ng internet, may mga researcher at ibang information seeker ang mas pinipili pa ring pumunta sa mga aklatan para sa  credible resources kaya hindi masasabing namamatay na ang mga library. Kahit naman ang mga eskuwelahan at pamantasan, pribado man o publiko, ay patuloy na nakakapagmantini ng kanilang mga library kasabay ng paggamit ng makabagong teknolohiya tulad ng computer at internet.

Bukod dito, marami pa ring mga aklat at ibang reference material na ang mga nilalaman ay hindi makikita sa internet.  Kailangan talagang bumili ka sa bookstore o pumunta sa isang library para mabasa ang mga ito. Lalo na iyong mga aklat na isinulat noong panahong wala pang internet. Sabagay, sa ibang bansa tulad sa Amerika, may mga libro tulad ng mga nobelang dayuhan na ang mga nilalaman ay mababasa na sa digital form pero may ginagamit itong program at siyempre, may bayad ito. Hindi ko lang tiyak kung gaano ka-popular ang digital form ng mga librong ito o e-book pero, kung tutuusin, hindi ito malayang makikita sa internet dahil nga may bayad din bukod pa siyempre sa tinatawag na copyright at may ginagamit na apps at gadget para mabasa ang mga ito tulad ng tablet. Hindi siya aktuwal na nakikita sa internet.

Tulad ng ibang sumabay sa sumusulong na agos ng teknolohiya, matagal na rin akong nakakapagbukas ng internet at, sa panahong iyan, hindi pa ako nakakabasa sa internet ng mga akdang nabasa ko sa hard copies nito. Maliban marahil sa ilang mga tula na kusang ibinabahagi ng may-akda nito sa internet lalo na sa social media. Hindi ko pa nababasa sa internet mula nang mauso ito hanggang sa kasalukuyan ang mga buong akda halimbawa nina Nick Joaquin, Rio Alma, Rogelio Sikat, F. Sionil Jose, Lualhati Bautista, Ricky Lee, Edgardo Reyes, Jose Lacaba, Edgardo Maranan, Carlos Bulusan, Severino Reyes (Lola Basyang), Lope K. Santos, N.V.M. Gonzalez, Gilda Cordero Fernando at kahit ang mga history book nina Teodoro Agoncillo, Renato Constantino, Gregorio Zaide at kahit ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Jose Rizal!

Hindi malaman kung anong dahilan dito. Maaaring magastos ang encoding ng mga nasa hard copies tungo sa computer at internet o wala pa lang nangangahas gumawa nito. Batay naman sa mga pahayag ng National Library, kinikilala ng mga library ang makabagong teknolohiya lalo na sa pagdiriwang ngayong buwan ang 29th Libraries month.

Email: rbernardo2001@hotmail.com

LIBRARY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with