Sa ulap tayo magtatagpo
DIKLAP - Ms. Anne (Pang-masa) - October 23, 2019 - 12:00am

(Part 8)

MAHIRAP maging kagaya ko. Ginugulo ng mga multo ang aking privacy. Gusto kong manahimik pero gustung-gusto nila akong lapitan para maging kalaro lalo na ng mga batang multo. O, kaya ay humihingi ng tulong sa akin para hanapin ang taong pumatay sa kanila. Ang mga multo na nananatiling narito sa mundo ng mga buhay ay mga kaluluwang may hindi natapos na misyon noong nabubuhay pa dahil bigla ang kamatayan nila. May multo sa lahat ng lugar pero mas marami sa mga lumang bahay at lumang building.

Ang totoo ay gusto kong maging “normal”. Kagaya ng karamihan na walang kakayahang makakita ng multo. Naaabala ang buhay ko sa kanila. Marami “sila” na nangungulit sa akin. Paano ko tutulungang hanapin ang mga pumatay sa kanila? Bata pa lang ako. Anong kakayahan ng 14 years old  na manghuli ng kriminal gayong saranggola lang ay hindi ko mapalipad nang maayos. 

Noong nag-aaral pa lang ako sa Maynila, may matandang janitor sa aming eskuwelahan na nakabisto ng aking kakayahang makakita ng multo. May kinakausap akong multo noon sa toilet na tumutulong sa akin para makaganti ako sa mga nang-away sa akin. Pumasok siya para maglinis ng toilet at nasaksihan niya na may kausap akong multo.

Nagkapalagayan kami ng loob. Siya ay kumikita mula sa kanyang espesyal na kakayahan kaya hindi niya ito nakikita bilang sumpa kundi isang biyaya. Umaakto siyang mediator para makausap ng kliyente ang pumanaw nilang kapamilya. Mahal ang sinisingil niya sa mga kliyente. Pinagtitiyagaan lang niya ang pagdya-janitor dahil ang mayayamang parents ng estudyante ang nagiging kliyente niya. Isang bagay ang sinabi niya sa akin upang mawakasan ko  ang pagiging lapitin ng multo: Kailangang may matulungan ako kahit isang kaluluwa na mapaakyat sa kabilang buhay.

(Itutuloy)

PRIVACY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with