‘Spiderwoman’ ng Indonesia, inakyat ang 15-metrong pader ng wala pang 7 segundo
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - October 23, 2019 - 12:00am

SA kabila ng mga tinamo niyang injury sa kanyang kamay at daliri, binasag pa rin ng tinaguriang “Spiderwoman” ng Indonesia na si Aries Susanti Rahayu ang speed clim­bing world record para sa mga kababihan kamakailan lang sa Xiamen, China.

Hinigitan ng 6.995 segundo ni Rahayu ang record ng taga-China na si Song Yiling – na inakyat ang 15-metrong pader sa loob ng 7.101 segundo noong Abril.

Si Rahayu ay isang speed climbing specialist. Tinaguriang “Spiderwoman” matapos ang kanyang mga nakamit na parangal para sa speed climbing noong 2018, Ang 24-anyos ang kaisa-isang Indonesian athlete na nakasama sa listahan ng Forbes Asia na “30 Under 30”.

Nakatakda si Rahayu na lumahok sa idaraos na Tokyo Olympics sa susunod na taon.

ARIES SUSANTI RAHAYU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with