Sa ulap tayo magtatagpo
DIKLAP - Ms. Anne (Pang-masa) - October 16, 2019 - 12:00am

BAGONG lipat ang aking pamilya sa isang probinsiya. Nakakuha kami ng bahay sa isang subdivision na nasa maliit na bayan ng probinsiyang iyon. Walang mapili na magandang school para sa akin ang aking Mama sa bayang pinuntahan namin kaya doon ako ini-enrol sa mamahaling private school na nasa karatig-bayan at nag-iisang siyudad ng nasabing probinsiya. Mga 30 minuto ang gugugulin sa biyahe mula sa ­aming bahay patungo sa city kung saan ako nag-aaral. Hatid ako at sundo ng school bus.

First year high school ako at base sa galaw ng mga kaklase ko ay dati na silang magkakakilala. Mukhang mga anak mayaman ang mga estudyante. Lalo na ang mga babae, sosyal na ay magaganda pa. Palagay ko’y ako lang ang bago sa aming section. Dati na silang magkakaklase noong elementary. Noon ko lang napagtanto na mas advance ang aral namin sa school na pinagtapusan ko sa Maynila dahil ang math na itinuturo ng kasalukuyan kong titser ng araw na iyon ay pinag-aralan ko na noon pang last grading period sa aking 5th grade.

Ang school bus ay naglalaman ng 20 estudyante. Ako ang pinakamalayo kaya ako ang second to the last na naihahatid sa bahay. May isang babaeng estudyante na huling inihahatid. Hindi ko lang alam kung saan siya nakatira. Nakasakay na siya kapag ako ay sinusundo. Maganda ang babae. Ang lakas ng sex appeal. Lagi akong excited sa pagpasok dahil lang sa babaeng iyon. Pero lagi siyang nakatungo at hindi nakikipag-usap kahit kanino. Wala rin pumapansin sa kanya. Minsan, napansin kong wala ang magandang babae sa bus nang sunduin ako ng bus. Nagtanong ako sa driver:

“Kuya, bakit absent yata ang babaeng nakaupo sa hulihan ng bus?”

“Sinong babae?”

“Yun laging nakaupo sa seat number 22”

“Walang umuupo roon”

(Itutuloy)

PAMILYA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with