^

Punto Mo

Pinakamabigat na avocado sa mundo, may timbang na 2.54 kilos!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG avocado sa Hawaii na may timbang na 2.54 kilograms ang kinilala ng Guinness World Records na pinakamabigat na avocado sa buong mundo.

Ang puno ng avocado na nasa Maui ay 20 talampakan ang taas at 10 taon na ang edad.

Matapos makumpirma ng Guinness ang timbang ng avocado, ginawa agad itong guacamole o sawsawan ng pamilyang may-ari ng prutas.  Para sa 20 katao ang nagawang guacamole dahil sa laki ng avocado.

Bagama’t ang nasabing avocado ang opisyal na ngayong kinikilala na pinakamabigat sa buong mundo, may isa pang avocado na tumubo naman sa Kona, Hawaii ang sinasabing may timbang na 2.722 kilos.

Subalit sa kabila na mas mabigat ang timbang nito, hindi na isinumite ng may-ari sa Guinness ang avocado sa pangambang mabubulok na ito sa gitna ng mga gagawing pagsusuri.

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with