270 Chinese ipinatapon
QUESEJODA - Butch M. Quejada (Pang-masa) - October 12, 2019 - 12:00am

IPINATAPON sa kangkungan este mali sa pinangga­lingan bansa pala ang 270 Chinese nationals na inaresto dahil sa iba’t ibang immigration offenses at crimes committed sa kanilang lugar na pinagmulan.

Ayon sa immigration ipi-natapon nila pabalik sa Xiamen, China ang mga ito.

Escorted sila ng BI intelligence sa pamumuno ni BO Intel chiel Fortunato Manahan Jr., kasama rin nila ang Chinese policemen at ang mga Chinese embassy officials.

Sinabi ni Manahan, ang Chinese embassy mismo ang nag- chartered ng three commercial flights para sakyan ng mga deportees.

Ang deportation order ay iniutos ng  BI board of commissioners dahil sa mga paglabag ng Philippine inmigration laws,.

Ang mga deportees at blacklisted at banned ng pumasok muli sa Philippines my Philippines.

Sabi nga. may lamat na ang mga ito.

Isang joint operations ng  BI intelligence operatives at Philippine National Police ang isinagawa sa iba’t ibang lugar tulad ng establishments, hotels at condominium na nahuli dahil sa illegal online gaming at iba pang fradulent activities tulad ng cyber crimes at investment scams.

Sabi ni Manahan, illegal na nagtatrabaho dito kaya naman hindi nila inisip na kumuha ng mga working permit sa gobierno at visas.

Ang iba naman ay overstaying aliens at undocumented pa.

 Biglang dumami ang mga illegal Chinese nationals sa Philippines my Philippines dahil pinagkakitaan sila ng mga tiwaling taga-immigration.

Nagtataka ang ilang observers kung bakit natigil ang imbestigasyon tungkol sa pagkalat ng mga illegal Chinese workers.

Bakit kaya natiklop ang pagkalkal? Abangan.

CHINESE NATIONALS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with