Lalaking naka-blindfold, nagawang tukuyin ang 11 ice cream flavors sa loob ng 60 segundo

ISANG lalaki sa Idaho ang kinilala ng Guinness World Records matapos niyang matukoy nang tama ang 11 ice cream flavors habang naka-piring ang mga mata.

Higit sa 100 Guinness records na ang hawak ni David Rush, na nakuhanan sa video ang ginawa niyang taste testing sa mga ice cream ng isang minuto habang hinuhulaan niya ang flavor ng mga ito.

Tagumpay niyang natukoy ang 12 flavors, ngunit dahil kalahati lamang ng flavor na java chip ang kanyang nasambit, 11 lamang ang naging opisyal na bilang.

Sa kabila nito, napantayan pa rin ni Rush ang kasalukuyang world record na 11 na naitala ni Mohameed Ahmad

Darwish sa isang mall sa Kuwait noong 2013. Ngayon ay katabi na ng pangalan ni Darwish ang pangalan ni David Rush dahil sa kanyang nagawa.

Show comments