Sugar Mommy (170)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - October 10, 2019 - 12:00am

INALALAYAN ni Jericho si Maia para maiupo at maihiga sa sopa.

“Ano, dalhin kita sa ospital?’’ nag-alalang tanong nito sa nobya.

“Huwag na. Lilipas din ito. Masyado lang akong napagod kagabi dahil nag-iisa lang ako sa ward.’’

“Meron kang gamot para sa pagkahilo?’’

“Kunin mo ang bag ko sa tabi ng TV. Mayroon akong gamot dun para sa pagkahilo.’’

Maliksing kinuha ni Jericho ang bag. Kumuha rin siya ng tubig at saka nagbalik sa kinahihigaan ni Maia.

“Eto ang bag, Maia. Kumuha na rin ako ng tubig.”

“Salamat.”

Kinuha ni Maia ang gamot sa loob ng bag. Tableta. Kumuha ng isa. Inalalayan ni Jericho para mainom ang gamot.

Nang mainom. Muling nahiga sa sopa si Maia.

“Anong pakiramdam mo Maia?’’

“Medyo nahihilo pa. Mamaya mawawala na ito. Ipapahinga ko lang ito, Jericho.’’

“E di huwag ka munang mag-duty.”

“Hindi puwede. Dalawa lang kami sa ward. Baka ma-bullshit ako ng head nurse na British.’’

“Paano kung ;di mo kaya?’’

“Mamaya, wala na ito.’’

“Nag-aalala ako sa’yo.’’

“Wala ito.’’

“Babantayan muna kita hanggang sa mawala ang pagkahilo mo.’’

“Baka maabala ka, Jericho. Okey lang na iwan mo ako.’’

“Hindi. Babantayan kita, Maia.’’

(Itutuloy)

SUGAR MOMMY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with