^

Punto Mo

Angas ang ibinungad, doble riyan ang iyong matitikman!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

ILANG beses na naming sinabi sa BITAG, kung maayos kang kausap, magalang at diplomasya rin kami. Pero kung pilosopo’t bastos ka, hihigitan namin ang masama mong asal.

Wala namang ibang pakay ang grupo ng BITAG kundi solusyunan ang isang problema sa mabilis, matiwasay at tamang paraan.

Ang siste, maraming inirereklamo na kapag pinuntahan namin Ora Mismo, nakikita pa lang ang mukha ng aming crew, sila pa itong mayabang at galit. Nakikita tuloy agad na guilty sila sa mga sumbong laban sa kanila.

Etong isang ginang noong nakaraang linggo, inireklamo ang dating recruitment agency dahil inipit daw ang kanyang clearance at Overseas Employment Certificate (OEC).

Cut and sewer daw ang inaplayan niya. Pero pagdating sa Saudi, imbes na mananahi ay naiba ang kontrata ng trabaho niya at naging domestic helper. 

Hindi nakayanan ng ginang ang hirap at pasakit ng mga Arabong ama kaya’t tinakasan niya ang mga ito. Dumoble ngayon ang kanyang kalbaryo dahil sa pagtakas niya, pinagbabayad siya ng P10,000 settlement pay para raw i-release ng recruitment agency ang kanyang OEC.

Ora mismong pinuntahan ng Pambansang Sumbungan ang opisina ng Max International Placement Agency, Inc.. Siyempre, may kasama kaming mga otoridad, mga pulis ng Paco Community Precinct para legal ang pakikipag-usap.

Hindi pa man nakakapasok ang BITAG Strike team sa mismong opisina ng inirereklamong ahensiya, mga maaangas na guwardiya ng building ang sumalubong sa amin. Nakipagmatigasan gamit ang mga nakatuwad nilang pangangatwiran.

Mga boss, hindi estilo ng BITAG ang manira at makipag-angasan. Asahan na kung anong lengguwahe at tono ang isinalubong ninyo sa amin, mas matindi roon ang babalik sa kung sinumang Poncio Pilato.

Sa huli natahimik ang mga pilospong guwardiya nang mismong administrator ng building ang nagpapasok. ‘Yun naman pala! Sana’y ipinatawag na noong una pa lang ang amo niya bago tinalakan ang BITAG!

Nang makausap namin ang opisyal ng inirereklamong ahensiya, agad nabigyan ng linaw ang lahat. Alam daw ng nagrereklamo na DH ang kanyang papasukan at rumaraket lamang bilang mananahi sa Saudi.

Sa paghaharap, lumabas ang katotohanang ang ginang ang lumabag sa kanyang kontrata at epekto na lamang ng problema ang di pagre-release ng OEC.

Mga boss, kailangan pa bang umabot sa awayan at angasan bago maunawaan ang pakay ng BITAG? Layunin naming malinawan sa bawat sumbong sa pamamagitan ng pagharap ng dalawang panig.

Wala kaming masamang tinapay sa mga guwardiya, sa totoo niyan ay tumutulong kami sa mga kauri nila. Araw-araw, dagsa ang dumadating sa aming action center na mga guwardiyang may reklamo sa kanilang mga agency.

vuukle comment

BITAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with