^

Punto Mo

596 katao sa Brazil, sabay-sabay na lumipad sa pamamagitan ng kitesurfing

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

KINUMPIRMA ng Guinness World Records na 596 kitesurfers ang nakapagtala ng bagong world record sa isang Brazilian beach nang sabay-sabay nilang gawin ang kanilang hobby.

Isang kinatawan ng Guinness ang nanood habang 596 na kitesurfers ang sabay-sabay na lumipad ng isang milya sa Cumbuco Beach, upang makapagtala ng bagong record para sa pinakamaraming tao na sabay-sabay nag-kitesurfing.

Ang dating record na 423 kitesurfers ay naitala sa England noon pang 2016.

Ayon sa kinatawan ng Guinness, 44 na katao pa ang na-disqualify nang isagawa ang world record attempt noong nakaraang Linggo ngunit sapat pa rin ang naging bilang ng mga natirang kalahok upang makuha ang world record.

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with