^

Punto Mo

Ang presyo ng libreng pagbabasa

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

MINSAN, nakita ko ang mga bata sa  tapat ng aming bahay na tila may pinaglalaruang papel na nakatuwaang pilasin. Pinanood ko ang nagkakatuwaang mga bata. Napansin kong isang manipis na librong pambata ang nilalaro nila. Sa paghaharutan ng mga ito, nasira ang libro hanggang nawasak na ito nang tuluyan. Nakita ako ng mga bata na pinapanood ko sila kaya nagtakbuhan palayo sa aking kinatatayuan.

Bukod sa libro, isa ang komiks sa pinagkakautangan ko ng loob kung bakit naging mahusay ako sa pagbabasa. Para hindi ako gumastos sa pagrenta ng komiks noong bata pa ako, pumupunta ako sa tindahan ng aking tiya na nagpaparenta ng komiks at doon nakikibasa.

Sa sulok ng tindahan ako pumupuwesto para magbasa. Habang nagbabasa ay bigla na lang may pupukpok sa aking ulo gamit ang binilot na komiks. Kinakausap pala ako ng aking tiyo, ang masungit na asawa ng aking tiya pero hindi ko ito naririnig dahil concentrated ako sa pagbabasa. Nahahalata kong naiinis ang aking tiyo kapag nakikita niya akong nakikibasa ng komiks sa kanilang tindahan. Hindi lang siya makapagsalita dahil ang bahay na kinalalagyan ng kanilang sari-sari store ay ancestral house ng pamilya ng aking ina, e, sampid lang siya sa pamilya. Kaya dinaraan na lang sa disimuladong pananakit..

Kung hindi pupukpukin ang aking ulo ay bigla na lang hahablutin ni Tiyo ang aking binabasang komiks sabay sabing, “Akina ‘yan, may gustong mag-renta!” O, kaya kapag medyo humaharang ako sa kanyang daraanan, “Tumabi-tabi ka!” sabay tabig ng kamay ni Tiyo sa aking papayat-payat na katawan kaya natutumba ako.

Kailangan ko pang pagdaanan ang ganoong kaapihan para lang ako makapagbasa nang libre samantalang ang mga batang iyon na pinapanood kong naglalaro ay walang awang pinagpipilas ang mga pahina ng isang aklat-pambata.

              

vuukle comment

LIBRENG PAGBABASA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with