^

Punto Mo

EDITORYAL - Ilibing ang mga baboy, huwag itapon

Pang-masa
EDITORYAL - Ilibing ang mga baboy, huwag itapon

LIMAMPU’T LIMANG patay na baboy ang nakitang palutang-lutang sa Marikina River noong Biyernes na hinihinalang namatay dahil sa African swine fever (ASF). At ayon sa mga awtoridad, maaa-ring nanggaling ang mga patay na baboy sa Rodriguez, Rizal. Itinapon ng mga taong walang pakialam kung kumalat man ang sakit sa buong bansa at maapektuhan hindi lang ang mga hayop kundi pati tao.

Sa paglutang ng mga patay na baboy, kumpirmadong sa Rizal nga nagmula ang ASF. Matatandaang unang napabalita ang pagkakasakit ng mga baboy sa Rodriguez, Rizal kaya nagsagawa nang maigting na kampanya ang Department of Agriculture at Bureau of Animal Industry para harangin ang mga baboy na nagmula sa nasabing probinsiya. Naglagay ng checkpoint sa maraming lugar para walang makalusot na magbibiyahe ng baboy. Kailangan ding may certification mula sa beterinaryo ang mga baboy. Dahil sa maagap na pag-iinspeksiyon, hindi na lumaganap ang ASF sa iba pang lugar. Patuloy din naman ang pagmo-nitor sa mga baboy na inaalagaan sa mga likod bahay.

Si Agriculture Secretary William Dar mismo ang nagkumpirma na ASF ang dahilan nang pagkamatay ng mga baboy sa Rizal. Nagpositibo ang ASF makaraang ipasuri ang mga blood sample ng mga baboy mula sa nasabing lalawigan. Sinuri ang blood sample sa United Kingdom. Ayon kay Dar, 20 blood samples ang kanilang ipinadala sa UK at 14 sa mga ito ang nag-positibo sa ASF. Gayunman, sa kabila na may presensiya ng ASF sa ilang lugar, ligtas kainin ang mga karneng baboy.

Ayon sa report, nakarating ang ASF sa bansa dahil sa mga pagkain (gaya ng pork) na dala ng mga foreigners na naka-check in sa mga malalaking hotel. Ayon sa isang pinuno ng DA, ang mga tirang pagkain sa hotel ay kinokolekta ng mga may-ari ng babuyan at ito ang pinakakain sa mga baboy. Nang makain ng mga alagang baboy ang pagkain mula sa hotel, nahawahan ang mga ito ng ASF. Dapat ibawal ang pangungulekta ng kaning-baboy sa mga hotel.

Magtulungan naman ang lahat para mapuksa ang ASF. Maging responsable ang mga may-ari ng babuyan. Ipagbigay-alam sa mga awtoridad kapag napansing maysakit ang mga baboy. Huwag itago. At lalong huwag itapon kapag namatay. Ilibing sa malalim na hukay para hindi kumalat ang sakit.

 

vuukle comment

BABOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with