Rude manners sa mga Amerikano
DIKLAP - Ms. Anne (Pang-masa) - September 4, 2019 - 12:00am

…pero kagandahang asal naman sa ibang bansa:

Kadiri sa mga Amerikano na kainin ang pagkaing nalaglag na sa sahig. Pero sa Middle East, ang nalaglag na tinapay ay dinadampot nila, hinahalikan at pagkatapos ay ididikit sa noo bago ibalik sa pinggan para kaining muli. Ito ay pagpapakita ng respeto sa pagkain at sa mga taong nagpakahirap para maka­pagluto ng tinapay na iyon.

Nakaka-turn-off sa kanila na may natirang pagkain sa plato ang kanilang guests. Ngunit sa ibang Asian countries, mas masaya ang host kung may natirang pagkain sa plato ng kanilang guests. Ang ibig sabihin ay nabusog ang mga bisita dahil sa sobrang dami ng pagkaing inihanda nila. Nalulungkot sila kung simot na simot ang pagkain sa plato dahil nagsasaad lang ito na nabitin ang mga tao sa pagkain.

Nagmumura habang nasa hapag-kainan. Pero noong unang panahon sa France, kailangan munang magmura bago hiwain ang buong roasted chicken. Pamahiin nila ito upang suwertehin.

MIDDLE EAST
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with