^

Punto Mo

Mag-ingat sa pagkain nang buhay na pugita

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

SA South Korea, kinakain ng hilaw ang pugita. Tinatawag ang putaheng ito na saknakji.

Pinag-iingat lamang ang sinumang kakain ng hilaw na pugita at baka maging dahilan ito nang pagbabara sa lalamunan at daanan ng hangin. Kahit kasi pinagputul-putol na ang galamay (tentacles) ng pugita ay gumagalaw pa ang mga ito.

Kaya sa South Korea kung saan paboritong kainin ang saknakji, pinag-iingat ang sinumang kakain ng galamay ng pugita dahil maaaring bumara sa lalamunan at ikamatay.

Madalas orderin sa mga restaurant sa South Korea ang saknakji. Puputul-putulin ang mga galamay ng pugita at ti-timplahan ng toyo o sesame oil at lalantakan  na ito.

Ang galamay na pinutol-putol ay buhay pa. Hindi agad ito namamatay kahit na nakain na. Gumagalaw pa umano ang mga ito.

May pagkakataon na ang kinaing galamay ay umaakyat hanggang sa lalamunan at nabibilaukan ang kumain nito. Mayroon pang nakakaakyat at nagdadaan sa ilong.

Taun-taon, tinatayang anim na tao ang namamatay sa South Korea dahil sa asphyxiation dahil barado ang daanan ng hangin --- nabarahan ng mga galamay ng pugita.

Kaya bago kumain ng saknakji, siguruhin muna na patay na ang pugita.

 

vuukle comment

PUGITA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with