Lalaki sa China, bumigay ang baga dahil sa karaoke
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - August 14, 2019 - 12:00am

ISANG lalaki mula Jiangxi, China ang kinailangan ng tulong medikal matapos bumigay ang kanyang baga dahil sa walang tigil na pag-karaoke.

Kinilala lamang ang 65-anyos sa apelyido niyang Wang.

Sumakit daw ang dibdib ni Wang matapos niyang sunud-sunod na kantahin ang 10 kantang pambiritan.

Sa kaliwang baga raw ni Wang nagsimula ang pana-nakit.

Noong una ay hindi pa raw nito pinansin ang pana­nakit dahil nakanta na naman niya ang mga nasabing awitin dati.

Dinala na si Wang sa ospital sa sumunod na araw nang lumubha pa ang sakit at doon na napag-alamang bumigay na pala ang kanyang baga.

Ayon kay Peng Bin-fei, doktor sa emergency department ng Nanchang hospital ay nakamamatay daw ang pagbigay ng baga dulot nang pag-abot sa matataas na nota.

Dagdag din ni Bin-fei na karaniwan ang pagbigay ng baga sa mga katulad ni Wang kaya ipinapayo niya sa may edad ng mga lalaki ang pag-iwas sa pagkanta sa karao­ke  ng higit sa dalawang oras.

KARAOKE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with