^

Punto Mo

EDITORYAL - Muling ibinandera ang Pilipinas

Pang-masa
EDITORYAL - Muling ibinandera ang Pilipinas

MINSAN pang ibinandera ni Manny Pacquiao ang Pilipinas nang talunin ang wala pang talo na si Keith Thurman sa kanilang laban sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas noong Sabado ng gabi (Linggo sa Pilipinas). Pinatunayan ng 40-anyos na Pinoy boxer na matibay siya at kaya pang pabagsakin ang kalaban gaya ng ginawa kay Thurman, na napatumba niya sa unang round. Una nang sinabi ni Thurman na ina-knockout niya si Pacquio sa first round. Nagkamali ang Amerikanong boxer at kinain ang sinabi.

Hindi mapapasubalian na malakas, mabilis, matibay at mahusay pa rin si Pacquiao at marami ang huma­hanga. Katibayan sa rami ng humahanga sa kanya ang maraming nanood ng kanyang laban sa MGM Arena. Ayon sa report, mas marami sa mga nanood ang pabor na manalo si Pacquiao kaysa kay Thurman. May nag-“booo” pa umano kay Thurman nang pumasok ito sa ring.

Tuwing laban ni Pacquiao, tahimik na tahimik at mapayapa ang bansa. Walang naitalang krimen noong Linggo habang nagaganap ang laban. Wala ring naiulat na pagsalakay ng New People’s Army sa mga sundalo ng gobyerno. Wala ring karahasan sa mga lugar ng bandido at mga terorista. At higit sa lahat, walang trapik sa malalaking lansangan sa Metro Manila. Ang EDSA ay napakaluwag at iisiping Biyernes Santo sapagkat walang yumayaot na mga sasakyan.

Halos lahat nang tao ay sumusubaybay sa laban at sa loob ng maikling oras, nabigyan sila ng kasiyahan ng people’s champ. Marami ang nagsisigawan kapag nakakapuntos si Pacquiao. Marami rin ang nagdadasal na manalo siya sa laban.

Wala pang nababanggit kung kailan muli lalaban si Pacquiao. Pero marami ang nagsasabi na hindi pa ito magreretiro. Kung kailan niya isasabit ang kanyang glabs, siya lang ang nakakaalam. Pero bago sana mangyari iyon, dapat makapag-train na ng mga bago o batang boksingero na susunod sa kanyang yapak. Darating ang oras na lilisanin niya ang ring at sana, mayroong bagong “Pacquiao” na isisilang.

Ipanukala sana ni Pacquiao na magkaroon ng isang ahensiya na tututok sa pagsasanay ng mga bagong boksingero. Bigyan nang malaking pondo para mahasa nang todo. Sa mga bagong boksingero kunin ang bagong magbabandera sa Pilipinas.

vuukle comment

KEITH THURMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with