^

Punto Mo

Walang kadala-dala!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Sa kabila nang pagpupursige ng pamunuan ng PNP na maisaayos ang buong command, patuloy pa rin na nasusumpu-ngan ang ilang tiwaling tauhan sa kanilang mga ilegal na gawain.

Halos magkakasunod na naman ang insidente nang pagka-kasangkot ng ilang miyembro ng pulisya sa  katiwalian partikular sa pangongotong o hulidap.

Matindi ang ginagawang pagbabantay ng pamunuan ng PNP sa kanilang mga tauhan na ang siste ay ginagamit pa sa kanilang ilegal na gawain ang kampanya ng gobyerno laban sa illegal drugs na nagkakaroon tuloy ng batik.

Ang kaigihan lang ngayon, nagagawa nang magsumbong ng mga nagiging biktima.

Kung dati ay nandoon ang matinding pangamba, ngayon nagagawa nang lumutang at magsumbong ng nabibiktima ng mga pasaway kaya agad na naaaksiyunan at nahuhuli ang mga scalawag.

Pero ang nakapagtataka nga rito, kung kailan daw naitaas nang husto ang sahod ng mga pulis sa ilalim ng Duterte administration , eh bakit mukhang hindi pa ito nakakasapat  at kailangan pang makipagsapalaran sa paggawa ng ilegal.

May babala na ang pamunuan ng PNP na hindi sila mangingiming pagsisibakin ang mga ito kahit pa mangonti ang bilang ng pulis.

Hinikayat din nila ang mga biktima o mabibiktima pa ng mga tiwali na huwag matakot na humingi sa kanila ng tulong dahil hindi nila kukunsintihin ang mga scalawag at agad na sasampahan ng kaukulang kaso.

Nakapanghihinayang sa ilan lalu na ang tumanda na sa serbisyo at masasangkot pa sa katiwalian dahil lahat ng kanilang pinaghirapan ay mababalewala na lamang bukod pa sa mga kasong kanilang haharapin.

Kaya nga dapat ito ang kanilang pag-isipan!

Dapat matuto na, dapat madala na!

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with