Sugar Mommy (79)

KINAGABIHAN, dakong alas siyete, nakahiga na si Jericho sa kanyang kama at nagbabasa ng libro nang mag-ring ang kanyang cell phone.

Si Jane ang tumatawag. Tinupad ang sinabi na siya ang tatawag dahil ayaw ma­lakihan sa gastos si Jericho.

“Anong ginagawa mo Jericho? Hindi ba kita naaaabala?’’
“Hindi Jane. Nakahiga ako at nagbabasa nang tumawag ka.’’

“Ako na ang tumawag para hindi ka na magastusan.’’

“Puwede naman ako Jane dahil nga medyo mataas ang suweldo ko.’’
“Mag-ipon ka. Hayaan mo na ako ang gumastos dahil mayroon naman akong pera para sa ganitong pagkakagastusan.’’
“Pero paminsan-minsan ako ang tatawag sa’yo.’’

“Sige.’’

“Nakakahiya naman kung ikaw lagi.’’

“Ikaw talaga mataas ang pride.’’

“Hindi naman. Gusto ko lang ay fair.’’

“Sige na nga. Kumusta naman ang work mo?’’

“Okey lang. Marami kaming customer nga­yon. Masyadong busy.’’

“Mahusay ka kasing mechanic kaya dinadagsa.’’

“Mahuhusay din ang mga kasama ko. Mga fresh graduates.’’

“Pero ikaw ang pinakamahusay para sa akin.’’

“Salamat. Ikaw, kumusta ka naman.’’

“Eto nag-iisa. Ang tagal mo pa bago umuwi ano?’’

“O di ba sabi mo mabilis lang ang isang taon.’’

“Naiinip na ako Jericho.’’

Hindi nagsalita si Jericho.

Mamaya may sinabi si Jane na ikinagulat ni Jericho.

“Alam mo Jericho, ninanamnam ko pa ang ginawa mong paghalik sa akin… hindi ko malimutan.’’

(Itutuloy)

Show comments