^

Punto Mo

20 Makatunaw-Pusong Kuwento

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

4. Ang matandang BFF

NAGTATRABAHO sa ospital si Cynthia bilang nurse’s aide. May isang matandang babaeng pasyente na sa sobrang tagal ng confinement ay naging kaibigan na niya. Ang matanda ay hindi makatulog sa gabi kaya kung ang duty niya ay sa gabi, nagkakaroon sila ng pagkakataong magkuwentuhan kahit sandali lang. Sa gabi-gabing ‘‘sandaling kuwentuhan’’ ay nagkapalagayang loob sina Cynthia at matandang pasyente.

Paglabas ko rito sa ospital, dadalawin kita sa bahay mo. Kaya ibigay mo sa akin ang iyong address, sabi ng matanda kay Cynthia.

Naku, pangit po ang munting apartment na inuupahan naming mag-ina. At saka nakakahiyang magkaroon ng bisita sa aming bahay. Wala po kaming furniture. Ang upuan namin sa dining table ang ginagamit naming “sala set”, sabay halakhak nang malakas.

Napatawa na rin ang matanda, sabay sabing: “Isang araw, may mabait na magbibigay sa iyo ng magandang sala set”.

Minsan ay nag-absent sa trabaho si Cynthia kaya lungkot na lungkot ang matanda. Pagpasok nito kinabukasan ay inusisa siya ng kanyang old bff kung bakit umabsent siya. Pabulong pa ang pagkukuwento ni Cynthia. Siniguradong walang makakarinig sa kanyang boses.

Nag-aplay po ako sa isang publishing company para maging writer ng nobela. Matagal ko na pong pangarap iyon. Puwede akong magsulat habang nagtatrabaho ako dito sa ospital. Mabuti rin pandagdag sa aking maliit na kinikita.

Hayaan mo, ipagdadasal kong matupad ang pangarap mong maging manunulat. Kapag ako ay tinawag na ni Lord sa langit, kakausapin ko Siya nang personal at ipapakiusap na matupad ang matagal mo nang pinapangarap.

Hindi nagtagal at lumabas na sa ospital ang matanda. Tatlong buwan ang lumipas nang biglang may nag-deliber ng sala set sa bahay ni Cynthia. Isang lalaki ang kumausap sa kanya.

“ Anak ako ng matandang naging kaibigan mo sa ospital. Ipinagbilin niya bago siya pumanaw na dalhan kita ng sala set bilang regalo raw niya sa kabutihan mo sa kanya habang naka-confine siya sa ospital.”

Pagkaraan ng ilang araw, ikalawang sorpresa na naman ang natanggap ni Cynthia, pinagrereport siya sa opisina ng pinag-aplayan niyang publishing company dahil nagustuhan nila ang ipinadala niyang summary/outline ng kanyang nobela.

vuukle comment

MATANDANG BFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with