^

Punto Mo

Bahay sa Massachusetts, pinasok at nilinis ng salarin subalit walang ninakaw

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

LAKING pagtataka ng isang lalaki sa Massachusetts nang madiskubre niyang pinasok ang kanilang bahay at malamang walang kahit anong ninakaw ang salarin.

Mas nakakapagtaka pa nang malaman niya na bukod sa walang ninakaw ang salarin ay nilinis pa nito ang kanilang buong bahay maliban sa kusina.

Naamoy pa raw ng 44-anyos na si Nate Roman ang mga kemikal na ginamit ng salarin sa paglinis nito sa tahanan nila matapos silang makabalik ng kanyang mga anak mula sa bakasyon.

Bagama’t walang nawalang kagamitan sa bahay nina Roman ay iniimbestigahan pa rin ng mga pulis ang pangyayari.

May hinala naman si Roman sa kung ano ang nasa likod ng misteryosong pagkakalinis ng kanilang bahay.

Nag-iwan pa kasi ang taong pumasok sa kanilang bahay ng rosas na gawa sa tissue na karaniwang ginagawa ng room service sa mga hotel kaya hinala niya ay may home cleaning service na nagkamaling pumasok sa kanilang bahay at siyang naglinis nito.

 

vuukle comment

MASSACHUSETTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with