EDITORYAL - Hindi napuprotektahan ang OFWs sa Kuwait
(Pang-masa) - May 22, 2019 - 12:00am

MALINAW na hindi nasunod ang memorandum of understanding ng Pilipinas at Kuwait na nag­lalayong maprotektahan ang mga Pilipino workers doon. Walang saysay ang paglagda ng Kuwait sapagkat mayroon na namang Pilipinang domestic helper na inabuso, ginahasa at pinatay pa ng sariling amo. Karumal-dumal ang ginawa kay Constancia Dayag, 47, na namatay dahil sa bugbog at pinasakan pa ng cucumber ang ari nito. Dinala sa ospital si Dayag pero namatay din. Hindi pa lumalabas ang autopsy report sa bangkay ni Dayag na dineklarang patay noong nakaraang Martes.

Isang linggo nang naghihintay ang pamilya ni Dayag at natatakot silang magkaroon ng “white-wash” sa kaso ng kanilang ina. Ayon sa TV report, nang umuwi si Dayag noong nakaraang taon, sinabi nito sa mga anak na pinagseselosan siya ng among babae. Mayroon na umanong namamagitan na hindi maganda sa amo nitong babae. Humihingi ng hustisya ang pamilya ni Dayag.

Noong nakaraang taon, pinatay din ang Pinay na si Joanna Demafelis ng kanyang mga among Lebanese. Makaraang patayin, isinilid ang katawan nito sa freezer. Ang pagpatay ang naging dahilan para ipatigil ni President Duterte ang pagpapadala ng domestic helper sa Kuwait. Sabi pa ng Presidente, bakit kailangang abusuhin ng mga Kuwaiti ang mga Pinay. Ano raw ang kasalanan ng mga ito sa Kuwaiti?

Ang deployment ban ng domestic helpers ang naging dahilan para makipagkasundo ang Kuwaiti government sa Pilipinas at pumirma sa memorandum of understanding na puproteksiyunan nila ang mga OFW. Pero hindi sila tumupad sa kasunduan sapagkat naulit na naman ang kahayupan sa mga kawawang Pinay.

Itigil nang tuluyan ang pagpapadala ng Pinay DHs sa Kuwait. Walang saysay ang kasunduan. Kung hindi ititigil ang deployment, marami pang Pinay ang gagahasain at papatayin doon.

DOMESTIC HELPER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with