Restaurant sa Britain, aksidenteng naghain ng tig-$5,000 na alak!
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - May 22, 2019 - 12:00am

ISANG restaurant sa Manchester, Britain ang hindi sinasadyang naghain ng isang bote ng alak na nagkakahalaga ng $5,000 (katumbas ng P263,600) sa mga customer nito na umorder lamang ng $290 na halaga ng alak.

Inorder ng mga customer ang mas murang bote ng Chateau Pichon upang ipares sa kanilang pagkain sa Hawksmoor steakhouse ngunit ang mamahaling alak ang nakuha at naisilbi.

Nalaman ng restaurant na mali ang kanilang naihain nang umorder pa ng pangalawang bote ang mga customer. Mabuti na lamang at nakumbinsi sila ng staff na subukan ang iba pa nilang mga alak kaya hindi na nila kinailangang magpaliwanag at aminin sa mga customer na tig-$5,000 na bote ang kanilang ininom.

Dahil sa pagkakamali, nag-tweet ang restaurant sa social media account nito at nagsabing sana’y na-enjoy ang mga customer ang bote ng Le Pin Pomerol 2001 na maling naihain sa kanila. Sinabi rin ng restaurant sa tweet na karaniwan lang ang magkamali at hindi dapat manlumo ang staff nila na hindi sinasadyang naghain ng napakamahal na wine.

Nag-upload din ang restaurant ng side-by-side na litrato ng $290 at ng $5,000 bote ng alak upang ipakita kung bakit nalito ang kanilang staff.

CHATEAU PICHON
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with