^

Punto Mo

Usapang pag-ibig

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

• Kung ikaw lagi ang unang nagte-text sa isang tao, may 90 percent na tsansang hindi siya interesado sa iyo.

• Ang mga lalaki ay nagsisinungaling para magpa-pogi points samantalang ang mga babae ay nagsisinungaling para hindi makasakit ng damdamin.

• Scientifically proven: Kapag gusto ng lalaki ang babae, tinititigan niya ang mata nito kapag nag-uusap sila. Ang babae naman kapag type ang lalaking kumakausap sa kanya, iniiwasan niya ang tingin nito.

• Kadalasan sa mga nagtatagal na relasyon: nagsisimula silang may kanya-kanyang karelasyon o isa sa kanila ay may karelasyon.

• Ang unang nakakaakit sa mga lalaki ay hitsura ng babae sa panlabas samantalang ang mga babae ay unang naaakit sa attitude ng lalaki.

• Kapag may itinanong ka sa iyong partner at maikli at bitin ang sagot, manahimik ka pero huwag tanggalin ang tingin sa kanya. Mas malaki ang tsansang dugtungan niya ang kanyang sagot sa iyo.

• Kapag ang pinakasalan ng babae ay kaibigan na niya simula pa sa pagkabata, maliit ang tsansang magkahiwalay sila.

• Ang mga taong mahilig makinig ng music ang nagkakaroon ng pangmatagalang relasyon.

• Mas lalong nagiging sexy ang babae sa tingin ng lalaki kung ang suot niyang damit ay nakikita ang kan­yang leeg.

• Ang selosang girlfriend ay faithful. Pero kapag nawala ang kanyang pagkaselosa, talasan ang pakiramdam, may tsansang mayroon na iyang iba.

vuukle comment

PAG-IBIG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with