Huwag kang epal para di-mahagupit ni BITAG!
BITAG - Ben Tulfo (Pang-masa) - May 14, 2019 - 12:00am

PATAS kami kung mag-imbestiga, hindi kami yung bira lang ng bira sa kada sumbong na idinudulog sa amin ng hindi ito pinag-aralang maigi.

Bawat panig ay dinidinig, bawat boses pinakikinggan, pero kung ang lengguwaheng isasalubong n’yo sa amin ay dahas at kabastusan, kakasa kami kahit na may posisyon pa kayo sa gobyerno.

Tulad na lang nitong isang sumbong na idinulog sa amin, inirereklamo ni Anthony Dollentas ang isang kagawad matapos hindi ibalik ang tinutubos niyang sasakyang isinanla sa halagang P100,000.

Palusot daw ni kagawad Virgilio Cruz Jr., wala na raw sa kanya ang isinanglang sasakyan dahil ipinasa na niya ito sa iba at bahala na raw ang may-ari na makipag-usap sa taong pinagpasahan ng sasakyan.

Kung hindi ba naman nakatuwad ang kukote ni kagawad, isinangla sa kanya ng may kasulatan sila, ipasa ba naman sa iba na ‘di alam ng may-ari, tapos ngayon hugas kamay na.

Tinungo ng BITAG ang mismong barangay hall sa Malabon kung tagasaan ang kolokoy na kagawad. Pagpasok pa lang ng team BITAG ang epal na kapitan at isa pang putok sa buhong kagawad ang bumulaga.

Biruin mo, nakuha pang makipag-angasan at ipapatay ni kapitan epal ang camera, puro satsat at pautot kung makipagtalo sa BITAG akala mo naman sila ang inaabuso at inaagrabyado.

Ipapaharap lang ‘yung inirereklamong kagawad niya kung anu-anong dahilan pa ang pinagsasabi, kesyo pagod sa pangangampanya, mukha namang pinagtatakpan lang ni kapitan ang baluktot niyang kagawad.

Sa huli ipapatawag din naman pala ni kapitan ang kolokoy na kagawad na pinagsanglaan ng sasakyan, pero no show pa ito kaya’t minabuti na lang ni Anthony na dumiretso at magsampa ng kasong estafa laban sa kagawad.

Hinding-hindi istilo ng Pambansang Sumbungan, ang BITAG, ang mamahiya at manira, pero kung may pagmamalabis sa kapangyarihan at pang-aabuso sa iba, kami ang tatapat sa inyo. Brusko kung brusko pero patas at di bias.

Lalo na at di kami yung puro satsat lang at porma, bawat galaw namin ay may kasamang utak, astig at tigasin pero may prinsipyong pang-public service, dahil ito ang tatak ng tunay “Pambansang Sumbungan” ang BITAG!

ANTHONY DOLLENTAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with