160 kilo ng yakisoba noodles, niluto sa Japan at ipinakain sa mga tao

ISANG malaking kahon ng instant noodles na tumitimbang ng 160 kilo ang iniluto at inihanda para sa daang katao sa Isesaki, Gunma Prefecture, kamakalawa.

Mayroon na tuloy bagong Guinness World Record para sa pinakamalaking “instant noodles tasting event” dahil nagawang ubusin ng 579 katao ang instant noodles na iniluto.

Niluto ang nasa 160 kilo ng instant “yakisoba” stir-fry noodles sa pamamagitan ng pagpapakulo sa mga ito sa 480 litro ng tubig sa 1.3-meter by 1.8-meter na metallic container.

Tinatayang 780,000 kilocalories ang sustansiyang makukuha sa noodles na niluto.

“I came for the Guinness World Record,” ayon sa 15-anyos na si Takato Kurosawa, na nanggaling pa mula sa kalapit na bayan ng Maebashi kasama ang kanyang mga kaibigan. Napuno raw ng lasa ng yakisoba sauce ang kanyang bibig nang matikman ang nilutong instant noodles.

Show comments