Abusadong ama, tameme kay BITAG!
BITAG - Ben Tulfo (Pang-masa) - April 27, 2019 - 12:00am

GALIT kami sa mga taong sinungaling, manggagantso at lalo na sa mga mapanakit ng kapwa  na. May kalalagyan ang dahas at pananakot ng sinumang isinusumbong sa BITAG.

Pagkat walang sinuman ang may karapatang gumamit ng dahas at saktan ang nanay, kapatid at anak na babae. Tulad nitong reklamo ng isang ginang sa kanyang butangerong ama.

Inirereklamo ng bagong panganak na ginang ang walang humpay na pambubugbog ng walanghiyang ama sa kanila ng kanyang ina na may sakit pang breast cancer.

Aniya, simula pagkamusmos pa lamang ay sinasaktan na sila ng amang adik. Nung nakaraang taon nga lang ay nakuha pa siyang suntukin ng ama habang nagdadalantao.

Dahil dito, ayaw na niyang makalaya pa at makalapit pang muli sa kanilang mag-ina ang balasubas na ama. Nagbanta pa umano itong pendejo na pagnakalaya ay babalikan niyang muli ang mag-nanay.

Kami dito sa BITAG ay pakialamero, lalo na kapag ang pinag-uusapan ay ang kapakanan at kaligtasan ng mga nangangailangan. Mapa-lalaki man o babae.

Pinuntahan ng BITAG investigators ang mismong kulungan ng sira-ulong ama. Iba ang estilo namin, hinaharap namin ang biktima sa taong halimaw sa buhay niya bilang therapy. Face your fears.

Nang makausap ang putok sa buhong ama, akala mo kung sinong maamong asong umakyat sa lalamunan ang bombolyas. Kumuyos ang betlog at panay tanggi sa pananakit sa kanyang asawa’t anak na babae.

Kesyo wala raw katotohanan na nanakit siya ng asawa’t anak, at hindi rin daw totoong nagbanta siyang mananakit pagkalaya.

Pero di pa tapos ang pagtutuos namin ng butangerong ama na ito. Maghanda siya pagkat ako mismo ang bibisita at magbibigay ng isang pasalubong para magkaintindihan kami.

May mga taong nakagawian na ang mang-abuso ng ibang tao. Pakiramdam nila, sa takot nakakamit ang respeto.

Kapag naabuso na ang pinag-uusapan, tinatapatan ng BITAG ang kanilang lengguwahe. Ito’y bilang paalala na walang sinuman ang may lisensiyang manakit, manakot at mang-abuso ng kapwa.

Kaya mga boss, abangan ang kabuuang istoryang ito sa BITAG Kilos Pronto. Sundan din ang aming Bitag Official Youtube Channel at ang aming website, bitagmedia.com, para sa iba pang mga sumbong.

BITAG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with