^

Punto Mo

Sugar Mommy (3)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“AKINA po ang susi Mam at ipaparada ko rito sa shade ang sasakyan mo,” sabi ni Jericho sa babae.

“Eto,” sabi ng babae at iniabot kay Jericho ang susi.

“Maupo ka muna Mam,” sabi ni Jericho at mabilis na kumuha ng silya.

“Thanks.’’

Tinungo ni Jericho ang SUV at pinaandar. Dinala sa makanlong na bahagi ng talyer.

Sinimulan niyang tanggalin ang mga gulong sa unahan. Nanonood ang babae sa kanya. Nasulyapan niyang naka-cross legs ang babae at nakalantad ang makikinis na hita. Kahit medyo may edad na ang babae ay makinis pa rin. Siguro’y dahil maraming pera kaya nasusunod ang luho sa pagpapaganda ng kutis.

Nang matanggal ang mga gulong, ininspeksiyon niya ang mga iyon. Tama ang diagnosis niya na kaya nagwi-wiggle ay dahil sira na ang CV joints ng mga ito. Pakiwari niya ay hindi naipatse-tsek-ap ang sasakyan. Takbo lang nang takbo kaya bumigay na. Mabuti at bago lumubha ay dinala na rito. At tiyempo na dito pa sa lugar na ito napadaan ang babae kaya napilitan nang ipatsek-ap ang problema. Wala kayang nagpayo sa babae. At bakit walang drayber? Tipo namang mayaman pero ba’t walang drayber.

Nang matiyak na CV joints ang problema, tinawag ni Jericho ang runner niya para bumili ng piyesa. May motorsiklo ang runner niya kaya madaling makakarating. Kabisado na ng runner ang bilihan nila ng spare parts.

Twenty minutes lang ay nakararating na agad ang runner. Eksaktung-eksakto ang nabili.

Ilang saglit pa at ikina-kabit na niya ang mga piyesa.

Napansin niya na pina­nonood siya ng babae. Bawat kilos niya ay sinu­sundan. Nasusulyapan niya ang mga hita at binti dahil naka-cross legs.

Natapos niyang ikabit ang mga piyesa. Wala pang isang oras at tapos na.

Nang ikinakabit na niya ang gulong, nagtanong ang babae.

“Anong name mo?’’

“Jericho po.’’

Hindi na nasundan pa ang tanong.

Itinuloy ni Jericho ang ginagawa. (Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with