^

Punto Mo

Utol (201)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“FIRST time na mag-kakaroon ng kasalan dun at anak pa ng namayapang asyendero ang ikakasal. Suportado ko ang inyong gagawing pagpapakasal dun,” sabi ni Gerald.

“Salamat Utol. Talagang mabuti kang kapatid.’’

“E sino pa ba naman ang susuporta sa’yo e dalawa lang tayong magkapatid. At isa pa, talagang ipinagbilin ka sa akin ni Papa bago mamatay. Kaya lahat nang pagsuporta at pagtulong ay gagawin ko para sa’yo.’’

“Maraming salamat Utol. Napakabait mo talaga.’’

“Pero tulungan n’yo rin kami sa paghahanda ng aming kasal ni Gina. Gusto namin e talagang memorable ang kasal namin.’’

“Oo naman Utol. Lahat din ay gagawin ko para sa iyo. Sabihin mo lamang ang mga gagawin namin ni Anna at tatalima kami. Hindi rin namin kayo pababayaan ni Gina.’’

‘‘Tama ang sinabi ni Xander, Utol. Sabihin mo lang at gagawin namin ang lahat,’’ sabi ni Anna.

‘‘Salamat Anna. Hayaan n’yo at sasabihin namin sa inyo ni Gina ang magiging papel n’yo.’’

‘‘Narito lang kami ni  Anna, Utol.’’ 

‘‘Salamat, Xander.’’

Kinahapunan, niyaya ni Gina si Gerald sa likod nang malaking bahay para ipaki­ta ang pagdarausan ng reception.

Nagulat si Ge-rald sa nakita. Perfect place pala talaga ang likod ng bahay sapagkat parang paraiso sa ganda ng tanawin. Malawak pala ang likod ng bahay na napapaligiran ng mga namumulaklak na halaman at namumungang puno. Nasamyo ni Gerald ang bango ng sampaguita at ilang-ilang sa pagpasok pa lang. Napakasarap ng simoy ng hangin. Hindi talaga aakalain na sa likod ng bahay ay mayroong isang paraiso na sobra-sobrang pagdausan ng isang pagtitipon. Sa tantiya ni Gerald ay may isang ektarya o mahigit pa ang lugar.

“Ano sa palagay mo Gerald? Puwede na ba rito tayong magsalu-salo. Dun sa bahaging yun ay puwede tayong magpa-install nang malaking tent. Like yung sa hotel. At dun naman sa ga-wing yun, dun natin ilalagay ang mga table.’’

“Good place! Perfect ito Gina. Siguro wedding coordinator na ang bahalang magpaganda sa lugar o mag-hire tayo ng mga propesyunal na outdoor decorators. Ka-yang-kayang pagandahin ito.’’

“’Yan din ang nasa isip ko Gerald.’’

“Palagay ko, ang ganda ng kasal natin, Gina. Lalo akong na-excite.’’

“Ako man, Gerald.’’ (Tatapusin na bukas) 

vuukle comment

UTOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with