Mga delinkuwenteng employer humanda kayo!
BITAG - Ben Tulfo (Pang-masa) - April 18, 2019 - 12:00am

NANG dahil sa P4,000 nakalkal ng BITAG ang baho ng isang kumag na kompanya. Ang Phil. Sole Footwear Marketing at ang may-ari nitong Chinese, hindi naghuhulog ng benepisyo ng mga empleyado.

Dumulog sa pambansang sumbungan ang isang naaksidenteng factory worker. Dumadaing dahil ‘di nabigyan ng sapat na ayuda.

Matapos bayaran ang hospital bill, iniwan na ng employer sa ere ang pobre. Katiting na hiling ng empleyado, P4,000 na pambili ng gamot at panggastos.

Itong mga balasubas na Chinese employers, bibinggo na sa BITAG Kilos Pronto. Saan kayo kumukuha ng tigas ng sikmura at kapal ng mukha?

‘Yan ang hirap sa karamihan ng Tsinong employer dito sa Pinas. Basta kumita lang ng bongga ang kanilang negosyo kesehodang alipinin at abusuhin ang mga empleyado.

Binuraot at hindi pinagbigyan ang pobre kaya tumawag na ng saklolo, sa BITAG-Kilos Pronto lumapit. Isang libong piso na lang daw kasi ang maibibigay ng kanyang employer.

Tinawagan at kinuha namin ang panig ng inirereklamong kompanya. Supot na palusot ng kanilang sekretarya, nangako na silang maglalabas ng pera kapalit ng kopya ng mga resibo.

Masama ang loob ng trabahador dahil pabalik-balik na siya sa kompanya para magbigay ng lintik na resibo. Walang naging aksyon.

Sa kapapalusot, lalo silang nahulog sa BITAG. Naungkat tuloy na wala silang hinuhulugang SSS, Philhealth, at Pag-IBIG… mga benepisyong mandatory sa batas.

Nang hingin ang paliwanag, tameme at tumiklop na ang kolokoy na sekretarya. Kasong kriminal ang hindi pagbayad ng social contributions ng mga empleyado.

O para sa kaalaman ng lahat, ang employer na hindi nagbayad ng SSS ng empleyado, kasong paglabag sa Republic Act 11199 ang kakaharapin. Kapag Pag-IBIG naman ang ‘di binayaran, kasong paglabag sa Republic Act 9679.

Ganoon din ang Philhealth, kapag hindi naghulog ng kontribusyon ang employer ay masasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 7875.

Lahat nang paglabag na ito ay may kaukulang parusa na 6-12 taong pagkakabilanggo. Patay kayong mga balasubas na amo kayo!

Kung ayaw n’yong humimas ng matatabang rehas, umayos kayo. Hulugan n’yo lahat ng benepisyo ng mga trabahador niyo.

Huwag n’yo nang hintaying lumapit pa sila sa amin. Huwag na kayong magtaka kung ang kalokohan n’yo ay madali naming nakikita. Dahil sa BITAG, walang nakakatakas at walang nakakaligtas.

Sinisiguro kasi ng BITAG na pormal na nakakapagsampa ng kaso ang mga nagrereklamong empleyado. Hindi lang sa Labor ha na madalas tarantaduhin ng mga dorobong employer kundi sa mismong legal department ng SSS, Pag-IBIG at Philhealth.

May pangil kasi ang mga ahensiyang ito na habulin, ipakulong at pagbayarin ang delinkuwenteng employers!

PHIL. SOLE FOOTWEAR MARKETING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with