Mana sa lola
DIKLAP - Ms. Anne (Pang-masa) - April 9, 2019 - 12:00am

MATAGAL na nagbakasyon ang aking ina sa probinsiya. Mga December 24 na namin siya nasundo para rito sa Maynila mag-Pasko. Inabot siya sa probinsiya ng kasagsagan ng pagkakaroling ng mga bata.

Isang gabi ay may nagkaroling na mga bata sa aming bahay. Pagkatapos kumanta ng isang super ikling Christmas carol ay buong lakas ng boses na sumigaw ang bata:

Lola Julia si JR po ako, apo ako ni Lola Aura! Magandang Pasko po!

Malayong kamag-anak namin ang batang sumisigaw. Nagkataong walang kabarya-barya si Nanay nang oras na iyon. Si Aling Ester na alalay ni Nanay ang nagprisintang magbigay sa mga nagkakaroling.

Ako na lang ho ang magbibigay, may barya ako.

Iniabot ni Aling Ester ang sampung piso. Ngumiwi ang bata.

Bakit po sasampung piso. Dapat po ay tigsasampung piso kaming tatlo.

Pasensiya kayo, ‘yan lang ang pera ko.

E, si Lola Julia po?

Walang barya ! naiinis na sagot ni Aling Ester.

Nakasimangot na umalis ang bata pero ang dalawang kasama ay tila kuntento sa sampung piso dahil nakangiti raw ang mga ito.

Kinabukasan ay nakasalubong ng aking ina ang batang reklamador. Hindi nito pinansin ang aking ina na dati naman ay nagmamano pa ito kapag nagkakasalubong sila. Galit siguro dahil sasampung piso lang ang napala nila sa pagkakaroling ng nagdaang gabi.

Bigla ko tuloy naalaala ang Lola ng bata na si Aura. Kinuha akong ninang ng babaeng ito para sa kanyang anak na babae. Nakadestino ako sa ibang probinsiya ng panahong iyon kaya kapatid ko muna ang tumayong kahalili ko nang idaos ang binyagan.

Matagal akong nadestino sa malayo kaya hindi ko naaaginalduhan ang aking mga inaanak sa aming probinsiya. Nakarating sa aking kaalaman, at sadya talagang ipinarating sa akin, na ako raw ay itinatakwil nito bilang ninang ng kanyang anak dahil hindi raw ako nag-aaginaldo. Sa isip ko lang:

May patakwil-takwil ka pang nalalaman. In the first place, noon pa man ay hindi kita type maging kumare, dangan nga lamang at masamang tumanggi.

Napangiti ako sa alaalang iyon. Like Lola, like apo. Mga mukhang aginaldo!

LOLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with