Dambuhalang hito, nahuli ng 13-anyos na bata sa texas
ISANG 13-anyos na batang lalaki sa Texas ang nakapagtala ng bagong state record para sa kanyang edad nang mahuli niya ang isang hito na umabot sa 30 kilo ang timbang.
Nangingisda si Brayden Rogers sa Lake Tawakoni nang mabingwit niya ang dambuhalang hito.
Marahil dahil sa kakaibang laki nito ay hindi naman pinabayaang mamatay ang hito, na agad inilagay sa tubig.
Ayon sa mga namamahala ng pamimingwit sa nasabing lawa, bagong record daw ang naitala ni Rogers sa pagkakahuli niya ng napakalaking hito.
Ibibigay sa Texas Freshwater Fisheries Center ang isda, na ilalagay sa isang tanke upang maging bahagi ng kanilang educational display.
- Latest